Tuesday, March 5, 2013

sup blogger.

kakatapos lang ng aking daily dose of job hunting. you know what, everytime naghahanap ako ng trabaho, there's always a thought that comes to my mind na somehow discourages me or makes me feel na hindi ako magaling. every single day. you know what that is, harrison. yes until now.

i feel traumatized of some sort, ewan ko. hanggang ngayon naiisip ko padin, what went wrong, what could have happened, what ifs, am i not good enough, am i even good, stuff like that. hanggang ngayon, napapanaginipan ko padin. it's haunting me. the people, the work. hanggang ngayon masakit, hanggang ngayon pag naiisip ko naiiyak ako. it's been more than a year, everyone has moved on, ako nalang ata ang hindi pa talaga. marami nang bagong taong dumating at umalis doon pero feeling ko ako, stuck parin. stuck sa thought na , anong nangyari?

people might not get it, people might say move on. ive tried and still trying. mahirap kasi. let's put it this way, youve been tasked to hold a handful coins and dapat walang malaglag. Nung una sakto lang yung coins na nasa kamay mo, but eventually mapupuno hanggang magooverflow. gusto mong walang mahulog pero mahirap, hanggang unti unti nang nahuhulog yung ibang coins. factors, sobrang daming coins, nangangawit na yung kamay mo, no one is supporting you to keep the coins in your hands, you have to do it alone. and then suddenly, may pumalo sa kamay mo nang sobrang sakit, nabitawan mo yung mga coins, saving just a little of them, pero wala na. uuwi ka nang wala.

iisipin mo, masyado bang maliit ang kamay ko to hold them, dapat ba humingi ako ng tulong para di malaglag yung coins, or whatever.

magulo, hanggang ngayon. recentlly, dahil hirap na ako maghanap ng trabaho, naisip ko humingi ng recommendation mula sa isang boss sa kumpanyang iyon. matagal kong inisip kung gagawin ko ba yun, pero mahirap maghanap, at naisip ko baka pag isinama ko ang recommendation na yun, makakatulong. pero natatakot ako humingi, kasi baka hindi naman ako bigyan. nilakasan ko loob ko, minessage ko. inacknowledge ko yung nangyari noon pero humingi ako ng chance na baka pwede ako mabigyan. pagiisipan daw niya at ipagdarasal ang mga sasabihin niya. it's been almost a week, hanggang ngayon wala pa. tulad niya, ipinagdarasal ko na din na ipagdasal niya, kasi baka nakalimutan na niya.

di ko nga alam kung tanga ba ako na humingi ng recommendation. feeling ko tuloy nagmukha lang akong tanga. eto siguro yung pakiramdam ng nakipagbreak tapos hanggang ngayon di maka move on. heart broken, hanggang ngayon. ano nangyari.

isang huhuhu. kelangan ko na talaga ng makakalandiang kumpanya, para makamove on sa brineakan ko na.

anyways. bumili na din ako ng libro, how to get a job without going crazy, baka makatulong din.

No comments:

Post a Comment