it's been a while, ang hirap magsulat. hinang hina na ako. wala na akong lakas ng loob. sobrang di ko na alam. andami ko nang nararamdaman na hindi maganda emotionally and physically, yes physically too. i think i am at the lowest point of my life right now and i dont know what to do to pick it up and live a normal life, again. pagod na ako umiyak, malungkot, mangarap?
it's been 2 months since i left the philippines, it's been 2 months na din na wala akong ginagawa, it's been 2 months na din na sobrang malungkot lang ako, it's been 2 months. 2 months palang pero pagod na ako. sa inaraw araw na ginawa ng diyos, walang magandang nangyayari sa akin. for the past days, di na muna ako naghahanap talaga ng work, nadedepress ako, di ako maka focus. bumili ako ng libro na pwedeng makatulong sa akin, pero hindi ko alam kung nakakatulong ba talaga. nakaka depress kasi, nangangarap ka pero hindi mo na alam kung pano mo maaabot yung pangarap na yon. madami kang gusto pero di mo na alam kung pano mo makukuha yun. this is not me. this is not the alvin i think i know. di ko na alam kung pano ang gagawin ko. i think i am depressed, as in depressed ah. imagine my situation here, magisa ako, wala akong trabaho, wala akong immediate family, wala akong kaibigan. wala, tama sigurong sabihin na walang wala ako ngayon. ang meron na lang siguro ako eh yung konting hope na makakamit ko pa yung gusto ko.
sobrang dami nang pumapasok sa utak ko ngayon, kasi wala naman ako kausap. ayoko din makipagusap actually, ayoko na kaawaan ako, kasi awang awa na ako sa sarili ko, alam ko na yun, ayoko na marinig pa sa ibang tao, ayoko na maramdaman na may naaawa sa akin, it doesn't help. araw araw gabi gabi, iiyak nalang ako, kasi naaawa na ako, i feel useless, worthless. i dont know who can help me. sobrang dami kong issues sa buhay ngayon na hindi ko alam pano ko ihahandle.
lately, i've been kind of cold to everyone, to hannah. mukhang masaya lang pero yeah typical, pero malungkot talaga. pag magkausap kami ni hannah, she does all the talking and i do all the listening, i dont know what to say, wala akong makwento. naiinis ako pag tinatanong niya ako ng how was my day kasi wala akong masabi, wala ako makwento. same old same old. naiinis ako na gusto ko magkwento nang madami, hindi lang nanood ng tv, nilakad yung aso. dumadaan lang yung araw.
iniisip ko na din minsan na magdeactivate ng social network, kasi minsan nakakainis lang. nakakainis lang na you see people, your friends, do well in their lives. maayos na career, masaya sila. kung di man maayos ang career at least masaya, nakakalabas, nakakapaginteract with other people. naiinis ako makakita ng ganun, or naiinggit lang ako. pero duh, with this life that i have, sobrang dami kong reasons para mainggit sa ibang tao.
iniisip ko nang bumalik sa pilipinas, kasi kung wala man akong trabaho at least masaya naman siguro ako. pero ang bilis ko namang sumuko, pero konti nalang talaga, susuko na ako. what's holding me back? ewan ko madami? pero for now, i have no choice but to stay and what, let the world slowly suck me up, until im gone, without anyone noticing. wala, maghihintay nalang ako, gaano katagal, siguro pag wala na akong lakas. pero saan ako kukuha ng lakas, hindi ko alam. no one's helping, i mean, there are people who try to help but they really dont. gets? hindi nila ako mabibigyan ng trabaho, hindi nila ako mabubuhay.
im trying to talk to the lord, pero di ko na alam kung maririnig pa niya ako, ano ba to, phase? tanginang phase naman to, bakit ganito, hindi ba pwedeng may magagawa din ako, makakalaban din ako. pero baka bulag lang naman ako, baka it's just right under my nose pero di ko makita. shit, shit.
mahirap pala magytpe nang basa yung daliri kasi nagpupunas ng luha, and kadiri ang drama. pero shit. gaano ako katagal iiyak. if there is a reason for everything, what is the reason why i am suffering this. there will be light at the end of long dark tunnel, how long is this dark tunnel, ano kelangan ko gawin to see that light, tatakbo ba ako?
and yeah, i think i'm having physical reaction to this stress/depression/anxiety im going through, hindi ko alam kung related to pero bakit ngayon ko lang nararamdaman, bakit ngayon pag nasa US ako, nararamdaman ko to last year pa and I said na magpapacheck ako sa Pilipinas, i was assessing myself when i went home to check para magpapatingin ako. akala ko noon sa init lang, kasi whenever i feel hot, nagppins and needles buong katawan ko. takot ako umuwi ng Pilipinas noon kasi baka mas malala lang kasi mas mainit sa Pinas, pero never ko siyang nafeel, so i guess wala na. pero as i came back here, i started to feel it again, winter dito pero nararamdaman ko siya, pag kinakabahan ako, pag naeexcite ako. sobrang sakit ng feeling na yun, parang ineelectrocute yung buong katawan ko. i have to cool down para mawala, kelangan mag relax ako, kumalma para mawala. akala ko exercise lang din ang katapat, pero everytime na magexercise/magwork out ako mararamdaman ko lang siya so hindi ko nalang din itutuloy. hayyyyyyyyyyy. eto istura niya pag nangyayari, while writing this blog, nararamdaman ko siya. masakit. sobrang sakit.
xxx

No comments:
Post a Comment