Friday, May 11, 2012

Just another realization.

Bigla ko lang naisip na may pinagsusulatan pala ako dati na blogsite, na hindi ko na nasulatan ulit. I read one entry there na natuwa naman ako. I don't know why, pero feeling ko may purpose nanaman tulad nung nakalagay sa blog ko. Just read it. :) It was like telling me na, hey, narealize mo to dati, nakalimutan mo lang. Here's an excerpt of the blog.

attending ethics class was way worth it than thesis writing. though on the first half of the class, i fell asleep for a moment. but after the break, batoon started to tell stories of his life with ethics on it. believe it or not, it was my first time to cry in class because of our lesson. sabi niya, hindi lahat ng tao masaya. yung mga tawa ng tawa diyan, mababaw lang iyan. sila yung mga taong mabigat yung nararamdaman ngayon. my first tear dropped. kahit sabihin nilang they have everything, they really dont. they dont have God with them. sobrang pinarealize sa akin ni batoon kanina na kahit anong gawin ko, kahit na anong pagpapasaya ang gawin ko, kung wala si God sa puso ko, i could not attain the ends of human and christian act, which is happiness.

happiness is a word which i thought was easily attainable. no its not. ngayon, nalulungkot ako dahil last 2 meetings na namin with sir batoon. i never expected that he'll have an effect on my life. galit pa ako sa kanya dati kasi parang walang sense mga pinagsasasabi niya. kanina, everything changed. i know, he saw me crying while lecturing, pero hindi niya pinansin yun. i know he saw me. ngayon, naiisip ko, para siguro siyang si God. ayaw kong pansinina at pakinggan dati. required akong makinig kundi baka bumagsak ako sa kanya. pinahirapan niya kami magisip lahat but he gave all of us a grade of 1.0. alam mo yun, nagtataka ako dati na bakit may nagbigay sa kanya ng world's greatest teacher na gift pero sabi ko parang di naman niya deserve yun. i know now. hala, baka instrument siya ni God not only for me but for every one sa class.

ngayon, i might not fully and abruptly change how i feel. but slowly, maoovercome ko din siya. my faith is questionable. i dont believe in the catholic church. i dont believe in the system. but as long as i believe in God. dun na muna ako magsesettle for now. no religions attached, pero i honor and believe in His existence. hindi ko lang siya pinapansin. i may not promise to go to church every sunday, di naman mahalaga yun eh. ang mahalaga, naniniwala ako sa kanya. takot ako sa kanya. marami pa akong tanong sa simbahan, marami akong gustong malaman.

salamat din pala kay Arvin Santos, lasing ako nung saturday. pero eto yung sinabi niya sa akin. si God. i told him, hindi na ako naniniwala. pero dumating ang monday, nag ethics class ako. parang gumawa siya ng paraan para marinig ko yung mga sasabihin samin ni batoon.

masaya ako ngayon habang sinusulat ko to. i feel relieved. naiiyak ako bakit ngayon ko lang to nafeel. galit ako ngayon sa mga kapatid ko dahil sa maraming bagay. pero hindi nun maoover power yung nararamdaman ko ngayong saya. lahat ng nararamdaman ko ngayon, ngayon pa lang ito.

umpisa pa lang eh. marami pa akong matututunan and marerealize. matagal pa siguro but slowly matututunan ko.

kay Hannah, sobrang nagpapasalamat ako sa kanya. alam kong mahirap sa kanya tong pinagdadaanan namin. dahil sa sitwasyon ko pati kaming dalwa apektado. pero di niya ako iniiwan, di siya nagkukulang. sa simpleng paraan, nararamdaman kong mahal niya ako. kahit namimiss na namin ang isat isa at wala akong magawa, di niya ako iniiwan. she's the number one strength i have right now. i cant afford to lose her.