Thursday, February 28, 2013

rants. part 1

wala akong makausap dito ngayon. wala ako masabihan ng mga gusto kong sabihin. ayoko din naman magsabi, di ko alam kung bakit pero parang ang hirap lang. di ko kasi alam kung may makakaintindi at kung meron man, wala din naman magagawa sa sitwasyon ko ngayon, sa pinagdadaanan ko. 

para akong heartbroken na tao na hindi maka move on. parang ganito yung feeling eh, pero antagal na nito. hindi ko alam kung may napagsabihan na ako nito pero, ansakit parin pala. parang sobrang fresh lang nung nangyari. bumabalik balik padin, dumadalaw sa panaginip. masakit padin. siguro sa lahat ng pinagdaanan kong heartbreak, eto yung pinakamasakit. 

magdadalawang buwan na akong nasa america, dalawang buwan nang naghahanap ng trabaho. gigising araw araw maghihintay ng tatawag na trabaho, maghahanap ng trabaho, tapos matutulog na ulit. dalawang buwang walang ibang ginagawa. di ko maintindihan yung nararamdaman ko, halo halo na kasi siya. gawa na rin siguro ng lungkot at pagkabagot. sa mga ganitong panahon, mas madami kang naiisip, mas madami kang ikalulungkot. siguro ang unahin natin, ilista yung mga bagay bagay na naiisip mo.

1. trabaho- mahirap maghanap ng trabaho, naiinip na ako. di kasi siguro ako yung tipo nang tao na nasesettle o masaya sa walang ginagawa. gusto ko lagi meron. sa hirap ng economy dito sa america, mahirap maghanap ng trabaho, lalo sa akin, galing Pinas, konting experience tapos kakompetensiya pa yung mga andito na. mapili kasi ako sa trabaho, oo aaminin ko. ako kasi yung taong hindi nakokonteto lang. gusto ko masaya ako sa gagawin ko. pero ang tanong ko, san ba ako sasaya? 

sinubukan ko nang magapply sa mga trabahong malayo or wala talaga sa field of interest ko. sinubukan ko na sa mga mall, sa mga coffee shop, pero wala akong nakukuhang feedback or whatever. natawagan ako sa isang interview, basically tanggap na pero hindi maganda yung compensation. natawagan naman ako sa isang 'scam' na kumpanya ayon sa mga article sa internet kaya di ako nagpunta. 

nahihirapan ako magsulat ngayon, sobrang daming tumatakbo sa utak ko. sa susunod na lang ulit.

No comments:

Post a Comment