Di ko alam kung saan ako magsstart sa kwento ko pero ayun, I'm in Alaska na. :) First, I'm gonna show you guys how this place looks like so you have an idea where in the hell I am. :))
So eto yung mga view from the plane. :)) syempre amaze na amaze pa ako kasi ngayon lang ako nakakita ng ganito sa malapitan though hindi naman ganun kalapit talaga. :)
Ang ganda ng glacier na to (below) kaya lang di daw mapuntahan ng malapitan ngayon kasi nasira yung bridge papunta dun dahil sa super snow nung January. :))
So ayun, I'm staying with my dad in the bunkhouse ng company. Okay naman siya, di ganun kaganda compared sa nakasanayan kong buhay. Weh, kala mo ang yaman sa Pilipinas. HAHAHA pero kasi dito sa bunkhouse, may oras ang pagkain(madami naman pagkain so okay lang tsaka nagtatakas ako ng pagkain from the mess hall HAHAHA), tapos common cr siya. Para siyang resort CR na may mga liguan ganun. Buti na nga lang nung first year college eh nag-dorm ako so medyo sanay na sa common cr.
Eto naman yung view sa labas ng bunkhouse. :)
Eto naman yung downtown Cordova. Sobrang liit lang, mga 20 establishments lang siguro ang nandito. Walang mall dito, ang meron lang eh thrift shops. Buti naman may convinient store dito. Tsaka nalalakad lang siya from the bunkhouse. :)) Tsaka dito, the sun sets for just 2-3 hours. Pag 12mn na dito, parang 6pm palang sa Pinas, didilim lang talaga bandang mga 1 or 2 tapos andyan nanaman yung araw ng 4 or 5. Hahaha
So ayun, basically yan ang environment na nakikita ko dito. Very small community, far from the city life that I have back there in Manila. It's like having a retreat sabi ko kay Hannah. Alam niyo yun, malayo sa comfort zone ko. Buti nalang may internet, yun nalang ang meron ko. Kasi yung phone ko, di ko maayos. Letche lang. Okay lang naman, kasi di ko naman magagamit din talaga kasi di din naman ako makakatext or whatever. :)) Pag tumawag ka nga outside Alaska, kahit sa mainland US lang eh international rates. Haha.
Nung paalis ako ng Seattle nun, mangiyak iyak ako nun kasi parang labag sa loob ko na pumunta dito sa Alaska(alam niyo naman yun). Di ko kasi alam kung ano madadatnan ko dito eh. Well, what I was just looking forward is that I'll be staying with dad and be able to celebrate my birthday and father's day with him for the first time. I had the choice naman to stay in Seattle kahit hanggang mga end of June kasi yung work na gagawin ko talaga dito will start by July pa. So ayun, kahit sa plane naiiyak ako. Pero nung nakita ko na yung tatay, may pigil na iyak kasi di ko alam kung anong mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako dahil makakasama ko na din siya dito or maiiyak at sabihin sa kanya na bakit ko pa kelangang magpunta dito.
Bakit ko nga ba kelangang magpunta dito? Well, to earn money and get a local working experience na mahirap makuha sa mainland kasi madami akong kelangang magkaroon muna like a car, kasi hindi ka mabubuhay dito nang walang sasakyan. Eh to work, kelangan mo magdrive. So andito muna ako para makaipon, para makauwi ng Pilipinas this year and para makapag ipon para makabili ng sasakyan sa mainland para makahanap ng magandang trabaho. Gets? Madaming proseso na kelangang pagdaanan para maestablish ko yung sarili ko dito. Madaming iisiping factors. Well, ang hirap dito magstart anew.
Yung trabaho na gagawin ko talaga dito is maging Quality Control staff pag dating ng canning season. Bale ang gagawin ko dun is lakad lakad lang daw, inspect inspect tapos paperworks. Well, mukhang madali lang naman. And accdg to some, it's easy money here. Mahabang oras lang nga lang ang kalaban, like 15-18 hrs a day pag busy na talaga. I might earn $150 a day daw pag ganun. Di ko alam kung malaki yun or not. Sana okay naman, ang goal ko naman dito is makaipon eh.
Pero habang inaantay ko yung training for the job, which is mga this week ata. I have a temporary job, just not to waste my time here and para makakuha na din ng pera. Nagsosort ako ng isda, minsan naglilinis ng isda. Oops, parang nakita ko yung iling sa mukha niyo. Hahaha. yeah, yun yung ginagawa ko ngayon dito. Temporary lang naman. Okay naman siya, masakit lang sa likod kasi nakatayo ka ng matagal. Minsan gumagawa din kami ng boxes na lalagyan ng isda. Actually di ata pwede talaga na ipasok lang ako basta basta, eh supervisor tatay ko dito sa I guess mas madali. Ayun nung una, parang naiiyak iyak nanaman ako kasi parang, bakit ko to ginagawaaaaaa?? College graduate ako tapos yung ibang kasama ko dito eh hindi, mga nagpunta ng america na hindi nakapagaral ganun. Pero ayun, di ko nalang inisip muna yun. Kasi alam ko namang hindi permanent yun eh, temporary job ko lang naman yun. Ineenjoy ko nalang yung experience, kasi kung mas iisipin ko na nakakadepress siya, mas malulungkot lang ako. Baka magkasakit pa ako. So, hindi ko nalang iniisip. Tsaka, doon din nagstart tatay ko noon bago siya naging supervisor dito ngayon, so alam niyo yun, parang it's a humbling experience kasi nakita ko kung saan nagtrabaho tatay ko, nakita ko kung saan nanggaling yung kung ano man mga meron ako ngayon. Iniisip ko pa na, grabe dahil dito, nakapag UST ako, nakapag aral kaming magkakapatid, na may medyo maayos kaming buhay sa Pilipinas ganun. Kaya nga sabi ko kay Hannah parang retreat lang ang nangyayari sa akin dito, may kikitain nga lang ko. :))
I'm just maintaining this positive outlook that I have right now. Mahirap maging pessimistic sa ganitong sitwasyon, kasi you would just put yourself down, mas hindi ka makakapag isip ng matino. Basta ako, alam ko yung mga goals ko sa buhay, I just put those big dreams up there waiting for me, nandito palang ako sa baba ng ladder. Slowly, I will climb up to reach those. It would take time for me to achieve all of those, so tiis tiis lang. Everything will be fine. Tsaka sabi nga nila, hindi matitikman ang sarap kung di mo pagdadaan ang hirap. Who knows, mabilis ko lang makuha yung mga yun. We never know.
Kaya ko to! :) haha ako pa! LOL anyway, miss ko na kayong lahat!!!! :)) love you all! can't wait to see you all again! :)) hehe
No comments:
Post a Comment