Coming here to the US, madami akong napatotoo sa mga sabi sabi tungkol sa Land of the Free. So ishshare ko lang naman yung mga observations ko so far dito. Siguro alam niyo na yung iba dito, eh natuwa ako eh.
Una, puro freeway dito sa America. Mas importante ang mga kalsada dito kesa sa anumang bagay ata dito. Parang lahat ng kalsada dito parang NLEX lang, ganun. Maluwag lahat ng kalsada at may kanya-kanyang lane ang mga tao, walang singitan or whatever. Believe or not, hindi pa ako nakakarinig ng busina dito. As in. Kahit gaano ka kabagal, hindi ka bubusinahan nung nasa likod mo. Sa intersection, walang naggo-go kapag hindi pa green talaga. Sa Pilipinas, yellow palang yung kabilang side, umaandar na yung mga jeep. Hahaha. Nakakamiss pero. :)
Alam naman na ata ng lahat na magkakamukha mga bahay dito, pero sa sobrang magkakamukha nila, nawala kami ng pinsan ko nung nag-bike kami minsan. Yung parang nakita mo na yung bahay na yun pero di pa pala. :)) Pero very organized yung numbering ng bahay dito, di ko alam kung ganun nga talaga pero to my observation, lahat ng nasa right side na bahay odd numbers, tapos sa left even numbers. Ganun din ba sa Pilipinas? Di ko napapansin eh, kasi pag tatanungin ka kung san ang bahay mo, di mo naman sasabihin talaga na, 'Dun ako sa 1954 Rizal St. blah blah.' instead, 'Dun ako sa pangatlong kanto katabi ng bahay na color pink.' Eh sabihin mo yun dito, talagang malilito ka, eh magkakaparehas nga kasi sila. Hahaha.
Boring nga pala dito, kasi malalayo mga tindahan, kelangan mo magkotse para makabili ng kung ano man.Dito sa lugar ko ngayon, kasi we are in the suburbs, 2 miles na yung pinakamalapit na convenient store. Halos lahat dito may sasakyan, so walang naglalakad. Since wala akong sasakyan at magisa lang ako sa bahay kahapon, nilakad ko yun. I ended up having paltos sa paa, no joke. Hahaha. Pag nasa freeway kami, tinitignan ko yung mga tao sa mga sasakyan. At halos lahat isa lang ang laman ng sasakyan, yung driver lang. May carpool lane wherein ang mga pwedeng dumaan lang dun eh yung 2 or more people ang sakay ng sasakyan. Eh sobrang sobrang konti dumadaan dun, iniisip ko, so lahat ng nasa ibang linya, isa lang ang laman ng sasakyan?? Haha.
Ang gusto ko dito, 7:30 na ng gabi may araw pa din dito. Naisip ko, kung ganito din sa Pilipinas, hindi na matatakot yung mga 1st year AB students umuwi kapag TTh kasi may araw padin ang uwian nila. Sobrang cool lang, kaya konti palang ang nakikita kong gabi dito, puro araw lang. Speaking of araw, mainit din dito, pero di sing init sa Pinas, dry daw kasi dito hindi humid. Di ko talaga alam pinagkaiba nun. :))) Pag dry daw, di kaw daw pag papawisan unlike pag humid. So sa Pilipinas, humid daw. Oh well, basta mainit din dito. Umaabot din ng 100F ang temperature.
Isa pa yun, bakit Farenheit kasi ang ginagamit dito at hindi Celsius? Pag sinasabi tuloy nila kung ilang degrees ang temperature kelangan ko pa iconvert to Celsius para malaman ko kung gano kainit o kalamig. Para macompare ko sa Pilipinas. Pati kapag sinasabi kung gano kalayo ang isang lugar, miles ang gamit nila. Sanay ako sa kilometers! So kelangan ko pa icompute din yun. Para lang akong namimili sa tindahan tapos dollars yung gamit tapos icocompute kung magkano sa Peso para malaman ko kung mahal ba yun o hindi.
Bakit kasi hindi pa gawing pareparehas nalang sa buong mundo? Dadaldal nalang ulit ako sa susunod. Pagod na ako magtype eh. :)
xxx
No comments:
Post a Comment